Granular Lockdown pinalawig sa Brooke’s Point, Palawan

Pinalawig ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point, Palawan ang granular lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Mary Jean Feliciano ng Brooke’s Point, 33 aktibong kaso ng COVID-19 ang nanatili sa quarantine facility ng munisipyo.

Naghigpit din ang munisipyo sa lahat ng mga uuwi na dapat kinakailangan may negatibong antigen test result upang mapayagang makapasok sa munisipyo kung manggagaling sa Puerto Princesa City.

Ngunit kung balikan lamang ay hindi na hinahanapan ng Antigen test result sa halip ay kailangan lang kumuha ng quarantine pass sa barangay na pinanggalingan para patunay na hindi tatagal ng isang araw sa bayan ng Brooke’s Point.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *