Greek PM nag-sorry sa pamilya ng 57 nasawi sa train crash

Humingi ng tawad si Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis sa pamilya ng 57 na nasawi sa train crash na nangyari.

Ito ay sa gitna ng mga protesta ng mga kumokondena at naninisi sa gobyerno sa banggaan ng dalawang tren kung saan umabot sa mga nagkilos protesta ay nasa mahigit 12,000.

Dahil sa protesta, nagkasagupa ang mga pulis at protesters kung saan sinasabing ang mga demonstrador ay nanunog ng rubbish bins at naghagis pa ng petrol bombs habang bilang sagot naman ay gumamit ng teargas ang mga pulis.

Samantala, nagpakawala ng daan daang itim na lobo sa kalawakan ang mga protesters na may nakasulat na “down with killer governments” bilang ala-ala ng mga namatay.

Matatandaan na nagbanggaan ang dalawang magkasalubong na tren noong Pebrero 28 matapos na tumatakbo sa parehong track ang mga ito dahil sa posibleng human error. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *