Tumuloy sa sampu ang winning streak ng Memphis Grizzlies sa 2021-2022 NBA season.
Ito ay matapos talunin ang top seed na Golden State Warriors sa score na 116-108.
Muling bumida si Ja Morant na nagtala ng 29 points, 8 assists, 5 rebs, at 2 blocks.
Sa unang bahagi nang laban ay agad tinambakan ng Grizzlies ang Warriors subalit nabura din pagsapit ng 3rd period.
Mula dito ay nagtuloy-tuloy nang dikit ang laban hangang sa huling minuto ng laro.
Nabalewala ang triple-double performance ni Stephen Curry sa kanyang 27 points, 10 rebounds at 10 assists habang si Klay Thompson naman ay nag-ambag ng 14 puntos para sa Golden State.