Isang magkasintahan kamakailan na sina Taraze at Johnnie Mae Davies ang napagdesisyonang mag-isang dibdib nang biglang mangyari ang hindi inaasahang pagkamatay ng groom ilang minuto lamang pagkatapos ng seremonya.
Ayon sa bride, talagang kinapapanabikan nila ang araw na ito dahil maliban sa malaking selebrasyon ay kaarawan pa umano ito ng kaniyang lola.
Pagkatapos ng seremonya, lumabas ang copuple para kumuha ng kanilang larawan na magkasama.
Ngunit bigla na lamang humandusay at nag-collapse ang groom at namatay dahil sa fatal blood clot.
Sinariwa din ng bride ang mga alaala ng kaniyang asawa nang itoβy nabubuhay pa kung saan likas umano rito an tumulong sa mga may kapansanan at director din ito ng ECO supporting living company nang siyaβy nabubuhay pa.
Nang dahil sa pangyayaring ito, nagbigay din ng babala si Johnnie Mae sa lahat na ugaliing pangalagaan ang kalusugan at bigyang prioridad nang maiwasan na ang ganitong kaganapan at hindi na maudlot pa ang masaya sanang pagsasama ng mga mag-asawa.|WENCY LISAY