Gross collection ng Koronadal, tumaas

KORONADAL CITY – TUMAAS sa mahigit P100-million ang gross collection ng lokal na gobyerno mula sa mga babayarin, buwis at iba pa na may ugnay sa business registration.

Sa report ni Business Permit and Licensing Division o BPLD Chief Gilbert A. Gayosa, sa loob ng Enero hanggang Hunyo 07, 2024, nakakolekta ang lungsod ng kabuuang P173,546,764.07 o 6.30% na pagtaas kung ihahambing noong 2023 na P163,255,763.41 dahil naman sa pakikipagtulungan ng kanilang opisina at iba ang mga departamento gaya ng Office of the Building Official, City Planning and Development Office-Zoning Division, City Treasurer’s Office, City Health Office, Negosyo Center gayundin ang kanilang partner agencies gaya ng Bureau of Fire Protection at mga barangay.

Samantala, tumaas naman sa 4,944 o 4.55% ang mga newly registered at business renewal kung ihahambing noong nagdaang taon na may 4,729.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *