Ground breaking ceremony ng Construction at expansion ng CNPH tuloy na ngayong araw

CAMARINES NORTE – Tuloy na ngayong araw ang ground breaking ceremony para sa Construction/Expansion ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) –Phase I matapos na ilang beses na ipagpaliban.

Ayon sa Camarines Norte Provincial Information Office gagawin ito alas 8:30 ng umaga sa CNPH grounds dito sa bayan ng Daet.

Kabilang sa mga serbisyo kapag natapos na ang construction ng 5- storey building sa first floor ay Emergency Room na may 15 bed na may trauma room, centralized imaging center, CT scan, Ultrasonigraphy, 2D echordiography, x- ray, expanded pharmacy at centralized Oxygen Manifold Area.

Sa second floor naman ilalagay ang laboratory medicine, blood bank at dialysis center na may 30 units.

Pagdating naman sa 3rd floor ay ang Intensive Care Unit na may 10 cubicles, medical ward na may 120 beds at administrative offices.

Sa 4th at 5th floor ay ang surgical ward na may 120 beds, chemotherapy at blood transfusion center, rehabilitation center at administrative offices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *