Ground breaking ceremony para sa itatayong Food Court sa Mercedes Fish port isinagawa kahapon

CAMARINES NORTE- Isinagawa kahapon ang Ground breaking ceremony para sa itatayong mas maayos na Food Court sa Mercedes Fish Port dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang proyekto ay pinondohan ng Lokal na Pamahalaan ng halagang P3 milyon noong 2020.

Ayon kay Mayor Dante Morales, bagamat nakatuon sa ngayon ang LGU sa kalusugan dahil sa COVID- 19 pandemic ay importante pa rin aniya ang mga ganitong proyekto.

Sabi ng Alkalde, kailangang mapagtuunan ng pansin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kainan sa Fish Port o mas kilala sa tawag na pandawan dahil unti- unti na raw itong nakikilala sa labas ng lalawigan.

Bukod dito ay may mga kilalang tao rin umano na kapag pumupunta dito sa Camarines Norte ay kumakain sa pandawan.

Ito pong food court ninais ko po talaga na maisakatuparan gawa po ng sa paglilibot- libot ko po, pag pupunta ko po dito, nakikita ko po ang kasalukuyang sitwasyon po ng atin pong mga kainan dito sa atin sa bayan ng Mercedes,” ani Morales

“Hanggang sa Maynila po, hanggang sa Camarines Sur kilala na po ang pandawan, dinadayo na po tayo, may mga pumupunta na po rito na mga kilalang tao kaya po sabi ko mas maganda na mabigyan po natin ng maayos na kainan po itong ating bayan.”

Target na matapos ang proyekto sa Disyembre nitong taon kung saan ililipat ang mga kasalukuyang stall at pwede pang madagdagan.

Ayon naman ay Municipal Administrator Elmer Nagera, isa umano ito sa pinaka importanteng proyekto sa economic enterprise.

Aniya hindi lang dapat umasa ang LGU sa mga ordinaryong buwis na pumapasok sa kaban ng bayan kundi dapat umanong maghanap ang munisipyo ng iba pang sources of income.

Maswerte umano ang bayan ng Mercedes dahil ang isa sa pinakamalaking source of income dito ay ang fish port.

Noong 2018 ay nasa P7. 3 milyon ang kabuuang income ng fish port at nadagdagan ito ng sumunod na taon na mayroong P7. 5 milyon.

Nang tumama ang COVID- 19 pandemic noong isang taon ay bumaba ang income na mula sa P7. 5 milyon ay naging P6.5 milyon na lang.

“Because of the pandemic sa 2020 ang atin pong income ay bumaba from P7. 5  to 6. 5 million, ibig sabihin isang milyon ang ibinaba ng ating buwis galing po sa ating economic enterprise fish port pero hindi po tayo titigil,” ani Nagera.

“We have to move forward, gagawa pa po tayo ng mga bagay- bagay na kung papano muli mai -increase natin ang income. Kaya po sa 2021 from January to June ang atin pong income ay umaabot na halos ng P3. 7 million, which is already more than one half  of the 2020 income, so bumaba man po sa 2020, sa 2021 po muli po bumabangon tayo ito rin po ay dahil sa pakikiisa n gating mga taxpayer particularly dito po sa nagni negosyo sa pag isda.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *