Groundbreaking ceremony ng biosecure swine housing facility, isinagawa sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Nagsagawa kahapon ng groundbreaking ceremony ang City Veterinary Office, Albay Provincial Veterinary at ang Legazpi Livestock Poultry Raiser Agriculture Cooperative sa Brgy. Buyoan sa lunsod ng Legazpi, kung saan kasama si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal at iba pang mga opisyal sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Alden Miña, presidente ng kooperatiba, dahilan umano kung bakit ito isinagawa ay dahil sa pag-usbong ng mga kaso ng African Swine Fever (ASF).

Aniya, isa ito sa pino-promote ngayon nang Department of Agriculture (DA) Bicol na repopulate ang supply ng baboy at mabawasan ang importation ng meat products.

Dahil dito, naglunsad ang nasabing tanggapan ng INSPIRE program para makaiwas sa nasabing sakit ng baboy.

Dagdag pa nito, bago man makapasok sa pasilidad ang mga tao ay mayroong perimeter fence, kapag papasok naman ay kinakailangan magsuot ng PPE at shower.

Aabot sa P5.5 Million na grant na mula sa Department of Agriculture na kung saan ang P4.1 M para sa konstruksyon ng building, P900K para sa 150 heads na baboy at P500K naman para sa pagpapakain ng baboy or feeds. Tinatayang nasa 300 heads ng nasabing hayop ang capacity swine facility.

Layunin ng programa ay muling ma i-angat ang sektor ng “hog raising” o pag-aalaga ng baboy sa lungsod ng legazpi na labis na naapektuhan, buhat nang lumaganap ang African Swine Fever sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.

Sinabi ng opisyal, ilan beses na rin dumaan ang kooperatiba sa on site validation at sa kahuli-hulihan na pagbisita sa validation ay pumasa na para sa proyekto.

Target ng LLFRAP na matapos ang nabanggit na proyekto ay masimulan sa unang quarter ng taon 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *