Groundbreaking ceremony para sa mga bagong pasilidad sa Albay PPO headquarters, isinagawa ng AKB partylist

Isinagawa kahapon ng Ako Bicol Partylist (AKB) ang groundbreaking ceremony para sa pagpapatayo ng multi-purpose grandstand at mess hall building sa Albay Police Provincial Office (PPO) headquarters , kung saan pinangunahan ito ni AKB Rep. Elizaldy Co, kasama sina Cong. Jil Bongalon at Cong. Alfredo Garbin.

Dumalo rin sina Ligao City Mayor Fernando Gonzalez, DSWD Bicol Reg. Dir. Norman Laurio at PPO PD Fernando Cunanan, Jr.

Ayon kay Co, inisyal na pinondohan ang dalawang proyekto sa loob ng nasabing headquarters na umaabot sa P48-million na gusali, P30M para sa grandstand at P18M para sa messhall building.

Inaasahang makakatulong ang itatayong proyekto sa pagpapagaan ng daloy ng trabaho at magpapalakas sa moral ng mahigit 200 police personnel.

Binigyang-diin din na ito ay paunang pondo para sa kahilingan ni Cunanan kung saan ang mga pasilidad na ito ay lubhang kailangan dahil ang opisina ay halos wala pang gusaling naitatayo maliban sa tinutuluyan ng mga kapulisan.

Dagdag pa nito, ang mga pulis ay malapit nang magkaroon ng isang disenteng lugar upang makatulog, kumain at magsagawa ng iba pang aktibidad.

Maliban pa rito, makakatulong ito sa kanilang moral at para mas magtrabaho, lalo na sa insurgency sa Bicol at sa criminal group na Concepcion, kaya kailangan pang palakasin at suportahan ang mga kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *