Groundreaking Ceremony ng 4PH Project sa Naga at Camarines Sur , pinangunahan ni Pangulong Marcos

NAGA CITY- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project para sa Camarines Sur sa Panganiban Drive, Conception Pequeña Naga. 10,000 housing units ang para sa mga residente ng lalawigan.

Dinaluhan ang aktibidad nila Secretary Jose Rizalino Acuzar, Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte, 2nd District Representative LRay Villafuerte  at ilan pa.

Ayon sa Pangulo, tiwala siyang magtatagumpay ang proyekto sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Karapatan aniya ng mga Pilipino ang maayos na bahay.

Mayroon ding 4PH Project para sa mga taga Naga, itatayo ang 6 thousand housing units sa Barangay Balatas.

Pasalamat naman si Mayor Son Legacion dahil isa ito sa mga magdadala pa ng oportunidad sa mga pamilyang Nagueño upang mas umangat pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *