Grupo, hinimok ang mga opisyal na sangkot sa DepEd laptop controversy na mag resign upang ipakita ang kanilang “delicadeza”

Nananawagan ang Teachers Dignity Coalition sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) na ang mga pangalan na nakalagay sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee  kaugnay sa pagbili ng overpriced laptops para sa mga guro  ay maghain ng leave of absence o lisanin ang kani-kanilang pwesto sa pamamagitan ng courtesy resignation.

Sa isang pahayag mula sa TTDC, bagama’t wala pang pormal na kasong isinasampa laban sa mga opisyal na involve, ang kanilang pansamantalang paglisan sa kani-kanilang posisyon ay magpapakita umano ng delicadeza.

Ipinunto ng grupo na ang mga natuklasan ng senado ay “hindi conclusive” at ang rekomendasyon na magsampa ng kaso sa mga korte ay ang tamang paraan upang simulan ang isang mas malalim na imbestigasyon at dalhin ang mga responsableng indibidwal sa hustisya.

Dagdag pa rito, binigyang-diin ng TDC na kung may mapatunayang nagkasala, mabibigyan ng hustisya ang mga guro, mag-aaral, at mga taong nag-ambag ng kanilang pinaghirapang pera sa buwis ng gobyerno upang maisakatuparan ang pagbili ng mga laptops na ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *