Nababahala ngayon ang isang consumer advocacy group na ang ilegal na kalakalan ng sigarilyo sa bansa ay magiging malala at posibleng maging isang national security crisis.
Ito ay kasabay ng patong-patong na reports at pag-aaral kung saan pinag-uugnay ang naturang ilegal na gawain at ang mga armadong grupong sangkot sa terorismo at iba pang krimen.
Ikinagulat naman ng isa sa mga lead convenors ng online advocacy campaign na “EKIS saSmuggling” at presidente ng Nicotine Consumers Union of the Philippines na si Antonio Israel ang rebelasyon ng isang international security expert, kung saan sinabi nitong ang mga miyembro ng ilang mga armed groups sa Mindanao ay nagsasagawa ng smuggling operations para matustusan ang paggawa nila ng krimen.
Sa huli, binigyang-diin ni Israel ang agarang tugon sa smuggling problem sa bansa.
Iginiit din nito na dahil sa ilegal na tobacco trade, naaapektuhan ang mga magsasakang Pilipino; lokal na mga industriya; maging ang kalusugan ng mga tao.