Grupo ng kabataan, nanindigan vs mandatory ROTC

Nagprotesta ang grupo ng kabataan laban sa mga may akda ng bill kaugnay sa muling pagbuhay sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) na itigil na ang ‘sugarcoating’ na ang naturang programa ay isang disaster response program para sa mga kabataan, at daan upang itanim ang pagiging makabayan, disiplina, at volunteerism sa mga ito.

Binigyang-diin ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang kanilang hindi pagsang-ayon sa mandatory ROTC, at ipinangako rin ng mga ito na mas palalakasin pa nila ang kanilang mga hakbang upang mapigilan ang pagkakapasa ng panukala, kasunod ng naging pagpupulong ni Pangulong Bongbong Marcos kay US President Joe Biden.

Binatikos ng SPARK ang naturang pagpupulong dahil inilalapit umano nito ang mga kabataan sa girian sa pagitan ng US at China.

Giit ng grupo, hindi nila nais maging kanyon para sa administrasyong Marcos.

Idiniin din ng mga ito na ang katotohanan sa isang giyera ay – isa itong desisyon, hindi ng publiko, kung ‘di ng mga economic elites. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *