Grupo ng LGU Pio Duran sa Albay bumisita sa Mercedes Camarines Norte para pag aralan ang operasyon ng Fishport

CAMARINES NORTE- Bumisita ang grupo ng Local Government Unit  ng Pio Duran mula sa lalawigan ng Albay kahapon ng umaga sa Mercedes, Camarines Norte.

Ang grupo ay binubuo ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Planning ang Development Office (MPDO),  Municipal Treasurer’s Office (MTO), at iba pang kawani ng kanilang LGU.

Ayon sa LGU Mercedes, ang pagbisita ng mga taga LGU Pio Duran ay upang upang pag-aralan ng aktuwal ang operasyon ng Mercedes Municipal Fishport o Pandawan.

Layon umano ng grupo na makakuha ng ideya mula sa best practices ng operasyon para naman sa itinayong fishport sa kanilang lugar.

Inalam din umano nito ang kasalukuyang mga ordinansa patungkol sa pagpapatupad ng revenue collections at passage lane sa mga fishing boats na dumadaong sa fishport.

Ang Pandawan ay isa sa mga ipinagmamalaki hindi lang ng Mercedes kundi ng buong lalawigan na pinupuntahan din ng mga turista para makakain ng sariwang isda at mga lamang dagat sa food court nito.

Itinuturing ng LGU Mercedes na isa ang Pandawan sa pinaka importanteng pinagkukunang ng source of income.

Noong 2018 ay nasa P7. 3 milyon ang kabuuang income ng fish port at nadagdagan ito ng sumunod na taon na mayroong P7. 5 milyon.

Nang tumama ang COVID- 19 pandemic noong 2020 ay bumaba ang income na mula sa P7. 5 milyon ay naging P6.5 milyon na lang.

photo: FB Photo Mayor Alex

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *