Grupo ng mga gobernador nagpahayag ng suporta sa vice-presidential bid ni Sen. Go

Nagpahayag ng suporta ang grupo ng mga gobernador sa buong bansa para sa vice presidential bid ni Senator Christopher Bong Go.

Sa manifesto na inilabas ng  grupo, umaabot na sa 57 mula sa 81 na  mga gobernador  ang nagpahayag ng paniniwala na mayroon nang sapat na karanasan at kaalaman sa public service si Senator Go dahil sa tagal nitong  close aide ni dating Davao city mayor at ngayon ay Pangulong  Rodrigo Duterte.

Kasabay nangako din ang grupo na ikakampanya ang senador para sa nalalapit na eleksyon sa bansa.

Ayon sa grupo, kampante silang nauunawaan ni Senator Go ang mga issues na hinaharap nila sa kanila-kanilang mga lalawigan.

Ipinaliwanag pa ng  grupo na sa mahigit dalawang taon pa lamang ni Go bilang  senador ay na-institunionalized na niya ang Malasakit Center na isang proyektong  sinimulan niya at ni Pangulong  Duterte.

Iginiit ng  grupo na dahil sa pagsisikap na ito ni Go ay naging abot-kaya ang healthcare sa pamamagitan ng  one stop shop for medical at financial assistance.

Samantala, nagpasalamat si Go sa patuloy na suporta sa kanila ni Pangulong Duterte kasabay ng pagtiyak na sa kabila ng kanyang kandidatura  ay mananatiling nakatutok siya sa kanyang mga tungkulin bilang  senador at public servant  lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *