Grupo ng mga guro, hiniling na doblehin ang budget para sa edukasyon

Hiniling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa susunod na administrasyon na doblehin ang budget para sa edukasyon sa bansa.

Ayon kay ACT secretary general Raymond Basilio, malaki ang kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa kasalukuyang pandemya.

Sinabi ni Basilio na dapat umanong mag-hire ng mas maraming guro para mabawasan ang bilang ng mga estudyante sa isang klase at mapanatili din ang seguridad ng mga ito.

Samantala, hinikayat din ng ACT ang papasok na bagong termino na magdagdag ng learning resources katulad ng gadgets, modules at internet allowance. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *