Grupo ng mga magsasaka, naghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa Executive Order 62 na nagpapababa sa taripa ng imported na bigas

Naghain ngayong araw sa Korte Suprema ng petition for certiorari and prohibition ang grupo ng mga magsasaka para hilingin ang pagapalabas ng temporary restraining order at maharang ang pagpapatupad ng Executive Order 62.

Ayon kay Atty. Virgie Lacsa Suarez, abugado ng SINAG, ilegal at unconstitutional ang kautusan para ibaba sa 15% ang taripa sa imported na bigas mula 35%.

Sinabi naman ni Leonardo Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers, walang konsultasyon na naganap sa sektor ng agrikultura bago binalangkas ng NEDA ang kautusan at pinapirma kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Panawagan ng grupo sa supreme court, katigan ang kanilang petisyon at ipawalang bisa ang naturang kautusan.

Kung hindi mailalabas ng korte suprema ang TRO, magkakabisa ang Executive Order ngayong July 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *