Grupo ng mga mangingisda, hinimok si Marcos na bumaba na bilang DA chief

Hinimok ng isang fisherfolk group si President Ferdinand Marcos Jr. na bumaba na bilang chief ng Department of Agriculture (DA), matapos akusahan ang administrasyon nito bilang “incompetence” sa pagtugon sa tumataas na inflation sa bansa.

Ayon kay Ronnel Arambulo, national spokesperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), na kailangan papanagutin si Marcos sa tumataas na presyo ng agriculture at fisheries products.

Dagdag ni Arambulo na ang lumalalang economic crisis, lalo na sa agricultural at fisheries sector, ay isang “manifestation” sa pagiging incompetence at negligence ng Marcos administration.

Giit nito, na sa mahigit kalahating taon na pagiging Presidente ni Marcos, ay wala pa rin itong konkretong hakbang para resolbahin ang taas-presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyong panlipunan, kung saan ang mga vulnerable sector umano ang apektado ng economic blows. Dahil dito, iminungkahi ng grupo ang rollout sa fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda, pagpapalakas sa local production, at pigilan ang importation, lalo na sa gitna ng pagbaba sa halag ng piso kontra dolyar. (PAMALAKAYA-Pilipinas PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *