Grupo ng mga negosyante sa olongapo, di gaanong pinoproblema ang no vaccine no work policy

Kumpiyansa ang marami sa mga negosyante sa Olongapo na hindi magiging problema ang no vaccination no work policy.

Ito ay dahil halos karamihan sa mga empleyado ng mga maliliit na negosyo sa lungsod ay bakunado na kontra corona virus disease.

Ayon kay Metro Olongapo Chamber of Commerce Inc. o MOCCI, nasa nubenta porsyento na ng mga manggagawa sa lungsod ang fully vaccinated na at ang mga hindi pa nagpapabakuna ay posibleng makumbinsi pa.

Matatandaan, inanunsyo ng DOLE na simula a-uno ng Disyembre ay bibigyan na ng karapatan ang mga employer na huwag papasukin sa trabaho ang mga empleyadong ayaw o hindi pa nababakunahan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of food and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *