Grupo ng mga pribadong ospital, tiniyak ang kahandaan sakali mang lumobo pang muli ang kaso ng COVID-19

Tiniyak ng grupo ng mga pribadong ospital na handa pa rin ito sakali mang tumaas muli ang mga hospital admissions dahil sa naitatalang muling pagtaas ng mga COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines President Dr. Jose Rene de Grano, naka-ready pa rin ang kanilang mga pasilidad.

Sa ngayon aniya, mayroon silang namo-monitor na bahagyang pagtaas muli ng mga na-aadmit sa pagamutan.

Sa kabila nito, wala pa rin naman anilang mga naitatalang mga severe o kritikal na kaso ng COVID-19.

Dahil dito, nananatilia pa rin aniyang manageable ang sitwasyon sa mga ospital.

Matatandaang una nang sinabi ng Department of Health na kung pagbabasehan ang mga projections, posibleng sumirit uli sa libu-libo ang maitatalang daily COVID-19 cases ngunit inaasahang magpa-plateau rin ito sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.