Grupo ng mga sugar farmers, kumontra sa importation ng 64k na MT ng refined sugar

Nanindigan ang iba’t ibang mga samahan ng sugar farmers at traders na hindi pa napapanahon para mag-angkat ng asukal sa bansa.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapabilis sa importation ng 64,050 metrikong tonelada ng refined sugar sa pamamagitan ng ‘Minimum Access Volume’ mechanism sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga sugar products at confectionaries.

Sa isang pahayag, sinabi ng United Sugar Producers Federation o UNIFED president Manuel Lamata na higit na makaaapekto ang importation sa mga local farmers.

Aniya, kasalukuyan daw tayong nasa ‘peak’ ng harvesting at marami pa ang supply ng raw at refined sugar sa bansa.

Imbis na mag-angkat, dapat umano ay hintayin na muna ng Gobyerno na matapos ang milling season, at tska pa lamang magkakaroon ng assessment kung kinakailangan pa bang mag-import o hindi.

Matatandaaang inilabas kahapon ang Memorandum Order 77 ng Pangulo na siya ring tumatayong Agriculture Secretary.

Layunin ng naturang importation order na ma-stabilize ang presyo ng asukal sa merkado.

Paliwanag dito, umakyat na sa 38% ang itinaas ng inflation ng sugar products at confecitonery.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *