Grupong ACT- Sorsogon, muling umapela sa DepEd na ipatupad na ang blended learning sa lalong madaling panahon dahil sa matinding init na nararanasan ng mga guro at mag-aaral

Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Sorsogon City sa Department of Education (DEPED) Sorsogon City at Provincial Divisions Office  na suspendihin na ang face to face classess at ipatupad ang blended learning ngayong summer season.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay ACT Sorsogon City Narlyn Dechavez, sinabi nito na una na nila itong ipinanawagan sa DepEd bilang antisipasyon sa matinding init ng panahon ngayong buwan ng Abril hanggang Mayo kung saan hindi umano gaanong conducive o handa ang mga silid aralan sa ganitong panahon dahil sa kakulangan ng pasilidad, siksikang mga mag-aaral, kawalan ng ventilations at mga electric fan kung kaya’t hindi malabo na mayroon talagang mahihimatay lalo na ang mga nasa elementarya.

Umaasa ang opisyal na magagawan ito ng aksyon sa lalong madaling panahon lalo na’t hindi lang ito para sa kapakanan ng mga mag-aaral kundi ng mga guro din na nahihirapan sa kanilang trabaho dahil sa matinding init na kanilang nararanasan.

PHOTO: ctto

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *