GSIS Legazpi branch, tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa emergency loan; aabot sa p40,000 halagang loan, inaasahang maibibigay

LEGAZPI CITY – Tumatanggap na ngayon ng mga aplikasyon mula sa lalawigan ng Albay at Catanduanes ang Government Service insurance System (GSIS) para sa kanilang emergency loan na ibibigay particular sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang bagyong Paeng.

Ayon kay GSIS Legazpi Branch Manager Levi Olivar, nang dahil sa nabanggit na kalamidad at dahil na rin sa deklarasyon mula kay Pang. Bongbong Marcos, ang kanilang opisina ay mamamahagi ng emergency loan na may isang buwang grace period para sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity dahil sa nabanggit na bagyo.

Para umano ito sa mga miyembro na unang beses pa lamang mag-avail ng loan, kung saan maaari silang pahiramin nang aabot sa P20,000 na may 6% annual interest at maaaring mabayaran sa loob ng tatlong taon.

Dagdag pa ni Olivar, ang mga mag-aavail naman ng multi-purpose loan o ang mga miyembrong may existing loan katulad ng salary o house loan ay maaaring makakuha ng loan na aabot sa P40,000 upang mabayaran ang nakaraan nilang emergency loan balance ngunit makakatanggap pa rin sila ng aabot sa P20,000 na maximum net amount.

Samantala, ang mga kwalipikado lamang na maaaring mag apply, aniya, ay ang mga miyembro na nagtatrabaho sa gobyerno, at ang mga nagtatrabaho o nakatira sa mga lugar sa Albay at Catanduanes na naapetuhan ng bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *