GSIS, nag-anunsyo ng planong housing program para sa 2023

Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) ang isasagawang housing program para sa mga state workers sa 2023.

Napirmahan na ng GSIS ang memorandum of understanding (MOU) kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ngayong araw, December 21.

Ang naturang MOU ay naglalayong matulungang mabigyan ng pabahay ang higit-kumulang 6 million na mga pamilya sa buong bansa, sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.

Sa programang pabahay, ang awardee ay magkakaroon ng karapatang magamit ang housing unit bilang kanilang tirahan habang nagbabayad ng buwanang renta.

Ang sale of right ay magagarantiya lamang sa mga first-time buyers, Pag-IBIG Fund members, at minimum wage earners.

Ayon kay GSIS president and general manager Wick Veloso, pinagtitibay na lamang nila ang plano, at inaasahan nang maaprubahan ito ng Board sa Enero ng susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *