GSMAXX Construction, namumuro na sa Lokal na Pamahalaan ng Roxas; kontrata nais i- terminate

Namumuro na ngayon ang GSMAXX construction sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Roxas at nais pa umanong i-terminate ang kanilang kontrata sa bagong Municipal Hall.

Bunsod ito ng pagtatanong ni SB Member Gerry Garnado sa kinatawan ng Municipal Engineering na si Assistant Municipal Engineer Joselito Yamson kung maari bang i-terminate ang kontrata ng LGU sa GSMAXX.

Napag-alaman na hindi pa rin naikakabit ng kontraktor ang mga pinto, aircon at ilaw sa mga opisina ng bagong munisipyo na dapat noong pang nakalipas na taon nailagay.

Sinabi pa nitong nakalipas ng sesyon ni Engineer Yamson na maari naman i-terminate ang kontrata ngunit nangangailangan pa itong pag-usapan ng mabuti.

Naniniwala ang mga konsehal na mas mapapabilis ang pagtapos sa mga proyekto kung ang lokal na pamahalaan ang gagawa nito.

Samantala, nais kausapin ng mga konsehal si Mayor Dennis Sabando at ang Municipal Enginner upang muli itong talakayin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *