Guest House ng ZPPO binuksan na

Binuksan na ang kuna-unahan at sariling Guest House ng Zambales Police Provincial Office.

Ito ay magsisilbing tuluyan o pahingahan ng mga bibisita sa kampo para di na lumayo pa dahil sa geographical location ng probinsya.

Ayon kay Provincial Director Col. Fitz Macariola, plano pa ng pamunuan na dagdagan ng pavilion at restaurant ang Guest House para magamit sa iba pang mga aktibidad.

Ang Guest house ay matatagpuan sa coastal area ng Sitio Panibuatan sa compound ng Captain Camp Conrado Yap sa Barangay Sto Rosario, Iba, Zambales.//Russell Banawa-BNFM IBA

Leave a Reply

Your email address will not be published.