CAMARINES NORTE – Nagpalabas ng executive order si Camarines Norte Govenor Edgardo Tallado ng pansamantalang pagsasara sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa buong lalawigan mula sa mga petsang October 29 hanggang Novermber 2, 2021 bilang susog na rin sa kaatasan ng International Agency Task Force kaugnay sa panuntunan ng paggunita ng Undas
Kung kaya’t inaasahan magtutungo na ang mga tao sa mga sementeryo upang bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay bago pa man ang mga nabanggit na petsa
Isa sa mga panuntunan ay ang mga magtutungo sa sementeryo ay dapat maukopa lamang ang 30% capacity sa loob ng sementeryo
Pinapayuhan rin na habang nasa loob ng sementeryo ay panatilihin ang 1 meter distance
Habang hindi naman papayagang makapasok ang mga walang suot na face shield at face mask gayundin ang 18 anyos pababa at 65 anyos pataas
Nakiusap naman ang Pamahalaang Panlalawigan na sumunod sa mga ipinapatupad na panuntunan dahil na rin sa nararanasang pandemya dulot ng COVID-19