Gumaling na tinamaan ng COVID-19 Indian variant kumpirmadong taga Camarines Sur; DOH may babala pa rin

NAGA CITY-  Kinumpirma ng Department of Health Bicol nitong nagdaang araw na Bicolano nga ang isa sa unang dalawang Pilipino na tinamaan ng COVID-19 Indian variant, at ibinahaging taga Camarines Sur.

Ayon kay Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino hindi nila masabi kung anong bayan ito. Ang tanging impormasyon kase aniya Abril 19 dumating sa bansa na 56-anyos na lalaking overseas Filipino worker mula sa United Arab Emirates. Sumalang ito sa test noong April 24 at ini-isolate sa temporary treatment and monitoring facilities (TTMF) sa Clark at gumaling o nakarekober noong May 6.

Umuwi man ito sa lalawigan, malinaw na gumaling na at hindi nagkaroon ng close contacts.

Sinabi rin ni DOH Camarines Sur Dr. Rey Millena na wala rin silang hawak na impormasyon ukol dito. Babala na lamang nito, huwag makampante dahil kahit ano pang variant ang dumating ang pagsunod pa rin sa health protocols ang kailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *