Inanunsyo ng Negros Oriental Provincial Police Office ang pagpapatupad ng gun ban sa naturang probinsya matapos ang pagpatay kay Governor Roel Degamo.
Ibig sabihin, suspendido ang lahat ng permit to carry firearm outside residence (PTCFOR) sa Negros Oriental, until further notice.
Dahil dito, tanging ang mga miyembro ng PNP, AFP, at iba pang law enforcement agencies na nagsasagawa ng kanilang official duties at ang mga naka-agency-prescribed uniforms ang papayagan na magdala ng armas.

Matatandaan na si Degamo at limang iba pa ay nasawi habang 13 naman ang sugatan sa March 4 attack, habang nagsasagawa ang naturang gobernador ng pulong para sa pamamahagi ng ayuda sa kanyang mga constituents sa kanyang bahay sa bayan ng Pamplona.
Mula noong Linggo, pumalo na umano sa siyam ang death toll bunsod sa naturang krimen. //MHEL PACIA-TRINIDAD