Guo Hua Ping as witness?

Ipinunto ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na mahalaga ang papel na maaring gampanan ni ‘Guo Hua Ping’ o suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagbunyag ng katotohanan sa likod ng mga iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa at maging sa pagpapanagot sa mga nasa likod nito.

Nanawagan siya kay Guo na magsalita na at makipagtulungan sa awtoridad sa pagbunyag sa mga pangunahing taong nasa likod ng mga iligal POGO na sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng scamming at human trafficking.

Anya, sa pamamagitan nito ay maaring mabawasan ang pananagutan ng nasuspindeng alkalde kung isisiwalat nito ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga na sinasabing magkaugnay.

Ayon sa senador, marapat lang itong gawin ni Guo lalo’t na malinawag na ang tunay niyang pagkakakilanlan at mayroon din itong hinaharap na patung-patong na kaso dahil sa di umano’y pagsisinungaling at panlilinlang nito.

Maalala, una ng kinasuhan ng non-bailable qualified human trafficking ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Guo at iba pang indibidwal.

Samantala, nilinaw naman din kamakailan ni Senadora Risa Hontiveros na kung sakaling mahatulan na si Guo ay sa Pilipinas muna ito magse-serve bago tuluyang ipa-deport.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *