Himas-rehas sa Lagao Police Station ang isang guro kasama ang kanyang lalaki matapos mahuli sa akto ni mister.
Noong Setyembre 10, 2023 alas 3:25 ng umaga ikinasa ng kapulisan ng Police Station 3 ang operasyon sa isang inn sa General Santos City matapos humingi ng tulong ang mister ng guro at doon na nahuli ang dalawa na sa loob ng isang silid.

Sa pahayag ng mister na si alyas ‘Ben’, 36, residente ng Barangay Mabuhay Gensan na matagal na nitong minamanmanan ang kaniyang asawa dahil sa pagdududa at mas tumibay pa ang kanyang hinala ng kinumpirma ito nga ka live-in partner nga lalaki ng kanyang misis.
Ayon pa kay ‘Ben’ na kahit masakit sa kaniyang kalooban ay itutuloy pa rin nito ang pagsasampa ng kaso sa dalawang maysala.
Ang mga nahuli ay sina alyas ‘Yen’, 33-anyos isang guro at ang lalaki ay si alyas ‘Carlos’ , 39-anyos na residente ng Barangay Katangawan nitong syudad.
Ayon kay PMaj. Ivan Charles Abastillas, chief of Police ng Lagao PNP na mahaharap ang dalawa sa kasong adultery at nakadepende sa piskalya kung magkano ang pyansa.