Guro mula sa barangay San Luis, itinanghal na kauna-unahang Cauayan City Got Talent winner

Itinanghal bilang kauna-unahang Cauayan City Got talent winner ang isang guro mula sa barangay San Luis sa ginanap na patimpalak noong April 9, 2022 bilang bahagi ng selebrasyon ng Gawagaway-yan Festival sa lunsod.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay CCGT winner na si Mr. Julius Raquel, sinabi niya na sa ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala at labis ang tuwang nararamdaman dahil sa natanggap na parangal.

Aniya, dahil nagtuturo rin ito sa isang pampublikong paaralan ay limitado at maikli lamang ang panahon ng kaniyang paghahanda para sa naturang kompetisyon.

Inawit ni Mr. Raquel ang “The Prayer” na kanta ni Celine Dion at Andrea Bocelli na nagpabilib sa mga hurado.

Aniya, bagaman dati na niya itong inaawit ay puspusan pa rin ang ginawang pag-eensayo sa pagkanta nito.

Nagpasalamat naman ito sa kaniyang pamilya, mga kaibigan at sa kanilang barangay Kapitan sa suportang ibinigay sa kaniya.

Hinimok din niya ang mga kabataang Cauayeño na may angking talento na huwag lamang itago sa sarili kundi magkaroon ng tapang na ipakita ito sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *