Nasungkit ng isang guro mula sa lungsod ng Olongapo ang “Outstanding Teacher Broadcaster” award sa buong bansa.
Ito ay si Teacher Love Algabre-Ruiz, isa sa top 3 finalist na sa huli ay nakakuha ng titulo.
Siya ay kasalukuyang guro ng Gordon Heights 1 Elementary School na isa ring teacher broadcaster ng Department of Education Central Luzon.
Nagkamit ng parangal si Teacher Love sa kahusayan nito pagdating sa pagtuturo sa elementary-science category sa naganap na Deped Tv awards 2021.
Samantala, ginanap ang kauna-unahang Deped Tv Awards at pagbigay parangal sa mga natatanging guro at production team nitong nakalipas na linggo, October 3 sa lungsod ng Maynila.//Pammy reyes-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Teacher Love Ruiz