Guro, sugatan matapos pagsasaksakin ng asawa sa San Francisco, Quezon; Suspek, nagpatiwakal

Sugatan ang isang guro matapos itong pagsasaksakin ng kanyang asawa sa Purok 4, Barangay Poblacion, San Francisco, Quezon nitong Lunes, Marso 27.

Kinilala ang biktima na si Melanie Ong Macaraig, 58-anyos at ang asawang suspek nito na si Francisco Aguila Macaraig, 61-anyos.

Ayon sa report, nasa kusina umano noon si Melanie nang dumating si Francisco at walang anu-ano’y pinagsasaksak ito.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima habang tumakas naman ang suspek dala ang patalim na ginamit nito.

Samantala, sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad, natagpuang nakabitin sa kanilang tahanan si Francisco at wala ng buhay.

Kinitil umano ng suspek ang kanyang sariling buhay matapos ang insidente habang si Melanie naman ay stable na ang kondisyon at ililipat rin sa Lucena City para sa tuloy tuloy na medikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *