Guro, sugatan ng pagtatagain ng kapatid sa Naga City

NAGA CITY – Sugatan ang guro matapos na pagtatagain nang sariling kapatid sa Naga City.

Kinilala ang biktima na si Dennis Orea, 39-anyos habang ang suspek naman ay ang panganay nitong kapatid na si Nimuel Orea, 50-anyos lahat residente ng San Mateo St. Barangay Peñafrancia nitong lungsod.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PSMS Tobias Bongon ang tagapag salita ng NCPO na matinding galit ukol sa mga ari-arian ang nagtulak sa suspek upang magawa ang krimen, inaangkin umano ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na nangyari ito 10:30 kagabi, Mayo 22 sa loob mismo ng kanilang bahay. Umuwi umano ang suspek na lasing at armado ng isang matalim na itak at biglang sinugod ang biktima sa loob ng  kwarto at doon pinagtataga ang braso nito.

Kaagad namang nakatakbo palabas ang guro at nakahingi ng saklolo, subalit hinabol pa ng suspek. Mabuti na lamang ay naawat at naagaw ng mga nasa lugar ang hawak na itak ng suspek.

Kaagad naman itong nahuli ng mga rumespondeng pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *