Guwardiya patay sa pamamaril!

KORONADAL CITY- NAGPAPATULOY pa ang imbestigasyon ng Banga PNP sa nangyaring pamamaril patay sa isang security gurad sa Purok Paghidaet, Barangay Malaya, Banga, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Leonard Fuentes, 31 anyos, single at isang guwardiya ng Barkley Banana Plantation sa nasabing barangay.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Barangay Kagawad Babyrindo Damuli ng Barangay Malaya, Banga, South Cotabato, inihayag nito na may tama ng bala sa ulo ang biktima at sa iba pang parte ng katawan nito.

Dagdag pa ni Damuli, na may nakita din sa crime scene na bote ng mga inumin alak at isang magazine ng baril habang nawawala naman ang issued firearm ng biktima.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang malalimang imbestigasyon ng Banga PNP para sa posibleng motibo sa nasabing krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *