Gymnastics chief, umaasa na makakapag-uwi ng medalya si Yulo

Umaasa si Gymnastics Association of the Philippines Cythia Carrion na magiging mas relaxed ang performance ni Carlos Yulo sa vault finals ngayong Lunes.

Nauunawaan naman ni Carrion kung sakaling makapagdulot ng pressure ang gaganapin kompetisyon lalo na at makakatapat ni Yulo ang mga pinakamagagaling sa buong mundo.

Malaki ang tiwala ni Carrion na kayang mag-uwi ni Yulo ng medalya sa kabila ng mga world class nitong katunggali.

Mababatid na magiging matindi ang kompetisyon sa pagitan ng walong kalahok sa vault finals kung saan makakatapat ni Yulo ang mga kinatawan ng Turkey, Brazil, Armenia, South Korea, at ng Russian Olympic Committee.

Sa kasalukuyan ay nasa top seed ang pambato ng Korea na si Shin Jeahwan matapos nitong makakuha ng 14.866 sa qualifications habang si Artur Davytan naman ng Armenia ang pumangalawa na nagtala rin ng 14.866.

Hawak naman ni Nikita Nagorny ang ikatlong pwesto sa kaniyang naitala na 14.793 performance habang nasa ika-6 na pwesto naman si Yulo sa kaniyang nairehistro na 14.712.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *