Habagat, magdadala ng monsoon rains sa 4 areas

Asahan na magdadala ang southwest monsoon ng monsoon rains sa Zambales, Bataan, Pangasinan, at La Union.

Babala ng state weather agency, posible ang flash floods o landslides sa panahon ng kalat-kalat at malawakang katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas na ulan.

Maliban dito, magdadala rin ang Habagat ng maulap na kalangitan na maykalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, ibang bahagi ng Ilocos Region, Central Luzon, Babuyan Islands, Batanes, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang iiral sa ibang bahagi ng bansa, na maaring magdulot ng flash floods at landslides.

Sa ngayon, may apat na active tropical cyclones sa labas ng Philippine area of responsibility. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *