Habulan ng 2 cobra sa Caramoran, Catanduanes ikinagitla ng mga residente

BICOL—Dahil sa mainit na panahon bunsod ng summer season, talamak ngayon ang insidente hindi lang ng mga nakakagat ng aso kundi pati na rin ng mga “snake bites” o panunuklaw ng ahas kung saan ang isang guro mula sa San Luis, Aurora na pumanaw matapos tuklawin ng cobra na nagviral kamakailan ang nagsisilbing paalala na lubhang mapanganib ang kagat ng ahas.

Kaya naman ganun na lamang ang takot ng ilang mga residente sa Brgy. Dariao, bayan ng Caramoran, Catanduanes nang masaksihan ang paghabulan at tila pag-aaway ng isang Philippine Cobra at King Cobra malapit sakanilang bahay.

Ayon sa mga residente, dahil sa kanilang pangamba at takot, minabuti nilang patayin ang dalawang nasabing ahas bago itinapon sa kalsada upang pasagasaan bago pa man makatuklaw at maging peligroso sa sinumang residente ng kanilang barangay

Samantala, inihayag naman ng mga eksperto na mapanganib rin ang paglapit o pagpatay sa mga cobra dahil mas malaki ang tiyansa na matuklaw sila ng mga ito at mailagay sa peligro ang kanilang buhay.

Ipinagbabawal din ang pagpatay o pagkuha sa mga ito, dahil kabilang sila sa mga endangered species o kakaunti na lamang ang bilang sa mundo.

Ang pinakamainam aniyang gawin ay agad na ipagbigay alam sa DENR o sa mga eksperto sa paghawak ng ahas kung sakali man na maulit ang ganitong mga insidente.###

Photo Courtesy: Emil Joseph Seña

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *