Hailey Bieber, natatakot raw sa magiging buhay ng kanilang magiging anak ni Justine

Bagamat bukas sa pagkakaroon ng anak kay Justine Bieber, natatakot naman raw ang asawa niyang si Hailey sa magiging kahihinatnan ng kanilang buhay.

Sa isang panayam sa modelo, sinabi niyang hindi niya raw kayang makita o makarinig ng masasamang salita sa kanilang anak mula sa publiko at online.

Sapat na raw na may nasasabing bagay tungkol sa kanyang asawa o sa kahit sa kanyang mga kaibigan.

Ikinasal si Hailey kay Justin noong 2018. Paulit-ulit na idiniin ng dalawa na maayos ang kanilang relasyon sa loob ng maraming taon.

Si Justine ay ex-boyfriend ni Selena at sinasabing nagkaroon ng overlap sa pagitan ng kanilang mga relasyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *