Hair rebonding at hair coloring, bawal sa mga buntis ayon sa isang OB Gyne

Bukod sa paninigarilyo at pag-inom ng alak, bawal din sa mga buntis ang pagpapa rebond maging ang pagpapakulay ng kanilang mga buhok.

Sa pahayag ng OB Gyne na si  Dr. Pinky Dealca,  sinabi nito na ito’y dahil ang ating balat  ang pinakamalaking organ ng ating katawan kung kaya kahit sa anit lamang ay maaaring ma-absorb ng katawan ang mga kemikal na mayroon ang mga produktong ginagamit sa hair rebonding at hair coloring.

Binanggit nito na ang nasabing mga kemikal ay lubhang matatapang na posibleng makaapekto sa  sanggol at maging sanhi ng mga congenital problems. Kaugnay nito, payo ni Dealca sa mga buntis na iwasan ang mga kahalintulad na aktibidad sa panahon ng kanilang pagdadalang-tao upang hindi malagay sa alanganin ang kalusugan ng kanilang mga sanggol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *