Hakbang laban sa ASF hindi pa napapatid- MAO San Fernando

NAGA CITY – Ipinapatupad pa rin ng San Fernando Municipal Agriculture Office ang ilang mga protocol laban sa African Swine Fever sa pamamagitan ng lalo pang paghigpit sa security measures na una na rin nilang ginawa sa kasagsagan ng ASF noong mga nakaraang taon.

Kabilang sa protocol na ito ay bawal ang sinumang dayuhang private technician na makapasok sa piggery baka may dala itong virus ng ASF.

Bawal din ang pagpalabas masok ng mga buhay na baboy at maging karne nito sa bayan.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Allan Salvador, ang head ng agriculture office sa San Fernando.

Dagdag nito regular din ang pagbibisita nila at pakikipag-usap sa mga hog raisers  at laging ipinapaalala ang mga protocols.

Nagkaroon din silang blood sampling sa mga baboy ngayon at lahat naman ng mga ito ay nag negatibo sa ASF.

Sa ngayon nasa kategoriya na sila ng Pink Level dahil matagumpay ang kanilang mga ibinigay na sentinel pigs.             

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *