Hakbang na magsusulong sa automatic income classification ng mga LGUs, opisyal ng batas

Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang hakbang na magsasabatas sa otomatikong income classification ng mga local government units (LGUs) upang mai-promote ang local autonomy at maranasan ng mga LGUs ang kanilang full economic potential.

Layunin ng Republic Act (RA) No. 11964, o ang “Automatic Income Classification of Local Government Units Act,” na gawing mas responsive ang mga lokal na pamahalaan pagdating sa pag-promote ng local development.

Sa ilalim nito, lahat ng mga munisipalidad ay maka-classify sa limang klase batay sa kanilang income ranges at average annual regular income sa loob three fiscal years.

Samantala ang Secretary of Finance naman ang magkakaroon ng otoridad na mag-adjust ng income ranges base sa actual growth rate ng annual regular income mula sa last income reclassification, at magsasagawa ng regular income reclassification kada-tatlong taon.

Ang naturang reclassification ay upang matugunan pa rin ng mga LGUs ang kanilang pangangailangan batay sa kanilang economic conditions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *