Hakbangin sa pagpapalakas ng PNP, tutukan ni PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR

Inihain sa pagbisita ni PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa rehiyon ang mga hakbangin ng kanilang hanay para sa patuloy na pagpapalakas sa mga bawat PNP Personnel.

Sa ekslusibong panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, kanyang inihayag na tutukan nila ang recruitment alinsunod sa kanilang Internal Base Program at tinitiyak na maiwasan ang Padrino System o Palakasan System.

Sa kasalukuyan ay gumagamit ng QR Code System sa recruitment ng PNP upang mamonitor at matukoy ang mga karapat-dapat na magsilbi sa bayan.

Naging bukas naman si PGen. Eleazar sa pagkakaroon ng regular neuro-psychiatric test sa mga kapulisan upang masigurong nasa katinuan sila habang nasa trabaho man o off duty.

Ang isinusulong na neuro-psychiatric test ay gagawin kada tatlong taon ng kapulisan kung saan hindi na lamang ito magagamit sa pagkuha ng promotion o sa mga sasailalim sa training.

Samantala, nasa 3,000 na body cam na ang napamahagi ng Philippine National Police kung saan unang nakatanggap ang mga City Police Station at sinusunod ang inisyal na direktiba mula sa PNP sa paggamit nito.habang hinihintay pa ang ibababang Operational Guidelines mula sa Supreme Court.

Ito aniya ay upang matulungan na mahasa ang investigative skills ng mga kapulisan at bilang isang kagamitan sa kanilang seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *