Halaga ng crop damage sa Pampanga, umabot na sa mahigit 200 milyong piso

Pumalo sa mahigit 200 million ang halaga ng crop damage sa lalawigan ng Pampanga, dulot ng walang tigil na pag ulan.

Sa report na inilabas ng Pampanga Provincial Agriculture Office, nasa 268,365,663 na pananim ang nasira mula sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan.

Ang bayan ng Lubao ang nangunguna sa may pinaka maraming nasirang palayan, sinundan ng bayan ng San Luis, Apalit, Candaba, Mexico, Minalin at Magalang.

Samantala, pumalo naman sa 85,089,496 ang halaga ng nasira sa fisheries sector.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *