Umakyat na sa P4.5Million ang halaga ng naipapamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga maliliit na rice retaileres na apektado ng ipinataw na price cap sa bigas.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian – tuluy-tuloy pa rin ang kanilang distribution hanggang sa mga susunod pang araw.
Sa ngayon, mayroon na raw nasa 300 retailers ang natulungan sa Metro Manila.
Kung maaalala – una nang sinabi ng Kalihim na inaaral nilang madagdagan pa ang one-time aid na P15,000.