Halaga ng piso lalo pang lumiit dahil sa patuloy na pagtaas ng halos lahat ng commodities na binibili ng mga consumer

CAMARINES NORTE- Lalo pang lumiit ang halaga ng piso dahil sa patuloy na pagtaas ng halos lahat ng commodities na binibili ng mga consumer.

Batay ito sa special release report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may petsang January 12, 2023 patungkol sa Consumer Price Index for all income household sa Camarines Norte noong Disyembre 2022.

Nakapagtala ng mataas na inflation rate ang lalawigan noong Disyembre sa antas na 8. 6 percent na mas mataas sa 3. 1 percent sa kaparehong panahon noong 2021 na bahagyang mababa naman kumpara sa 8. 9 percent  noong Nobyembre 2022.

Sa year- on- year situation naitala ang 8. 62 percent sa lahat ng item index na epekto ng pagalaw ng presyo sa halos lahat ng commodities at service groups noong Disyembre 2022 kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Karamihan sa mga sumusunod na commodity group ay nakapagtala ng pagtaas ng presyo tulad pabahay, tubig, kuryente, petrolyo na may 13. 9 percent change.

Gayundin ang Restaurant and Accommodation services na may 14. 6 percent change, food and non- alcoholic beverages na may 8.0 percent change, Alcoholic Beverages and tobacco na may 7. 8 percent, transportasyon na may 7. 7 percent at iba pang commodities.

Halos ganito rin sa month- on- month comparison ng mga pagtaas sa price index of commodities.

Dahil dito ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lang ng 0. 81 centavos noong Disyembre 2022.

Nangangahulugan ito na kailangan na ng P1. 23 para mabili ang katumbas na goods and services na nagkakahalaga lang ng piso noong 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *