Halal restaurants hangad sa Naga City

NAGA CITY – Hangad ng Muslim Community Affairs Office na magkaroon na ng Halal restaurants sa Naga City para sa mga turistang Muslim at iba pang lahi na nagagawi sa lungsod.

Ito ang isa sa planong hingin ni Mike Mustapha matapos ang State of the City Address ni Mayor Nelson Legacion kahapon.

Sa kanyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga, nabanggit niya na kailangan na magkaroon ng halal restaurants dahil ito ang hinahanap ng kapwa niya muslim. Salaysay pa nito, may nasalubong siyang Pinay na kasama ang asawang foreigner na naghahanap ng halal restaurants na makakainan.

May nauna na silang pag-uusap nina Mayor Legacion at Alec Santos ng Arts Culture and Tourism Office hinggil dito subalit hindi pa naisasapinal.

Ang Halal Foods ay mga pagkaing pinahihintulan na kainin ng mga Muslim sa ilalim ng Islamic Law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *