Half a million na mga Bicolano na-iiscam- Bureau of the Treasury Bicol

NAGA CITY – “Halos half a million na mga Bicolano ang na-iiscam.”

Ito ang binigyan diin ni Regional Director ng Bureau of the Treasury-Bicol, Dir. Everette Villaraza, sa isinagawang Press Conference sa isang hotel sa Naga City.

Layunin ng muling pagbubukas ng RTB Bonds (RTB29) ay mag-invest sa Gobyerno, maiwasan ang mga na-iiscam o naloloko dahil hindi protektado at hindi secure ang perang inilalabas nila, pangalawa pinapalalim ang financial participation glass root lalo na’t hindi lamang ito para sa mga mayayaman.

Ayon naman kay Atty. William Beluso Jr., Director of Legal Services, walang dapat na ikatakot ang mamamayan na mag-invest sa Gobyerno dahil bukod sa ligtas ito hindi ito nahahack dahil sa Government Security Banking at National Government System BTr IT sinisecure ang lahat ng records ng Gobyerno at ng mga bangkong partner, tulad ng Land Bank, BDO, BPI, Union Bank at iilan pa.

Kaya sana ikonsidera ng taong bayan ang pag-iinvest sa Gobyerno lalo na’t layunin din nito ay makatulong sa ekonomiya at mga proyekto ng bansa habang kumikita ang mamamayan dahil sa investment nila, ayon pa sa opisina.

Dagdag pa ni Villaraza, target nila ang mas maraming magpaparticipate lalo na multi prolong ang benefit na maibabalik sa mga investor dahil sa 6.125% nilang offer na isa sa mga pinakamalaking offer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *