Halos $1-Trillion, danyos ng Russian invasion sa Ukraine – Kyiv official

Papalo na sa halos isang trilyong dolyar ang danyos ng invasion ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Oleg Ustenko, economic advisor ni President Volodymyr Zelensky, na kasama sa danyos na ito ang “direct at indirect costs”

Ang naturang bilang ay katumbas umano sa limang beses na annual GDP ng Ukraine, bago ang paglusob ng Russia noong Pebrero.

Una nang tinataya ng opisyal na ang danyos na idinulot ng Russian forces sa kanilang bansa sa unang dalawang linggo ng giyera, ay agad na pumalo sa halos $100 billion.

Sa 2023, inaasahan ng Kyiv na papaalo ang gap sa halos 3.5 billion euros, pero agad naman umanong tumugon ang mga kaalyado para punan ang naturang gap, kung saan nagpledge ng bilyon na cash ang World Bank, European Union td G7.

Leave a Reply

Your email address will not be published.